Thursday, August 6, 2015

Paano Maging Successful?


Ang Tunay na Kwento ni AJ


Paano Maging Successful.


Nang mabasa mo ang title ng blog ko na ito, ano ang unang pumasok sa isip mo? ScamNetwork MarketingPyramiding? o Budol-budol?

Mali ka diyan, partner, kung iyan ang unang naisip mo. Hindi naman kita masisisi at aminado ako na talamak ang ilang scam at budol-budol sa ating bansa.

Itong pangalawang kuwento ko tungkol sa kung paano maging tunay na successful ay mula ito sa aking tunay na karanasan noong 2007 at nagsisimula pa lang ako sa aking career bilang isang web developer.

Natatandaan ko pa noong September 2007 tinawagan ako ng dati kong kaklase noong college na gusto daw niya magpagawa ng isang computer program para ma-monitor ang kanyang negosyo nacall center. Noong mga panahong iyon, Microsoft Excel lang ang ginagamit na program ng kanilang mga call center agents sa pag-record ng kanilang araw-araw na trabaho. At dahil hindi pa ganoon kalaki ang kanilang kumpanya, wala pa silang malaking budget para ipambili ng mga kilalangsoftware.

Dahil sa aking ginagawang self-advertisement sa aking mga kaibigan, dating kaklase, at mga kamag-anak na marunong akong gumawa ng isang simpleng website, ako daw ang pumasok sa isip ng aking dating kaklase para gumawa ng kanilang software. Nagkataon namang wala akong full-time job  noon at nag-iisip ako ng mga ideas kung anong negosyo ang papasukin ko. Hinamon niya ako na kung magagawa ko daw ang software na gusto niya sa loob ng 2 hanggang 3 linggo ay babayaran niya ako ng P15,000.00.

Ano sa palagay mo ang ginawa ko?

Tinanggap ko ang hamon kahit sa totoo lang hindi pa ako nakakagawa ng ganoong klase ngsoftware sa buong buhay ko (noong mga panahong iyon). Humingi ako ng down payment na P5,000 at siniguro ko sa kanya na maibibigay ko ang software sa loob ng 3 linggo.

Pagkatapos ng aming meeting sa Robinson’s Galleria sa Ortigas, dumiretso ako kaagad sa National Bookstore. Naghanap ako ng libro tungkol sa dynamic web development dahil kailangan ko ding matutunan ang simpleng paggawa ng database para sa kanilang software. Dito ko nakita ang librong ASP.NET 2.0 in 24 Hours. Nagkakahalaga ito ng P795.00. Matapos kong basahin ang ilang pahina ng libro, nakumbinsi ako na kayang kaya kong matutunan ang dynamic web development + Visual Basic.NET + SQL sa loob ng ilang araw kahit totally zero o wala akong alam sa Microsoft.NET.

Ano ang mga sumunod kong hakbang?

Binasa ko, pinag-aralan ko, sinunod ko at ginawa ang lahat ng mga activities sa libro sa loob ng 5 araw; 10 hanggang 12 oras kada araw. Makalipas ng 5 araw, sinimulan ko na ang pag-analisa ngsoftware na gusto ayon sa kanilang requirement. Sinimulan ko na din ang pag-disenyo ng website. At higit sa lahat, sinimulan ko na ang trabaho ng isang .NET programmer na noong nakaraang limang araw lamang ay wala akong alam o karanasan sa .NET at SQL database.         

Makalipas ang dalawang linggo, ipinakita ko na ang ginawa kong software. Tinesting nila ito. Mukha namang na-impress sila. May ilan lang silang gustong pagbabago sa disenyo at kulay ng website, pero overall ay pasado naman ang ginawa ko. At ang pinakamagandang nangyari ay binayaran na nila ako ng kabuuang P15,000.00!

Simple lang naman ang formula na natutunan ko mula sa karanasan kong ito para magingsuccessful ka na mapalago ang iyong maliit na puhunan gamit lamang ang iyong determinasyon at pagpupursige at pagdadagdag ng bagong skills o kasanayan.

Maliit na puhunan + determinasyon + pagpupursige + bagong skills o kasanayan = SUCCESS!

Ikaw, kailan mo sisimulang mag-aral ng bagong kasanayan o skills? Baka sa isang skills na iyan ay magkatotoo na ang iyong mga pangarap at ambisyon na magpapasaya sa iyo at sa mga taong pag-aalayan mo ng iyong tagumpay. Ano sa palagay mo?

Just comment below
Feel free to share

Wednesday, July 1, 2015

Namatay si Michael

SUBJ: Namatay si Michael
--------------------------------------------------------------
Alam mo ba na dito sa Pilipinas ay may
6-9 na bagyong dumarating taon-taon?
Isang gabi may malakas na bagyong
dumating at umulan ng wlang tigil.
Nagsilikasan na ang lahat pero may isang
naiwan at na-stranded sa bubong.
Si Michael
Sobrang kaba n�ya na baka yun na yung
huling araw n�ya, kaya ang ginawa n�ya
nagdasal s�ya ng mataimtim.
Habang nakatingin sa langit, pinagdasal n�ya
na sana ay maligtas s�ya at bigyan pa s�ya
ng pangalawang buhay.
Pagtapos ng ilang minuto, may dumating na
bangka na ma�y 3 lalaki na nakasakay.
Niyaya s�ya nung mga lalaki na sumakay para lumikas.
Pero tumangi sumama si Michael at ang sabi n�ya
...�Mauna na kayo dahil ililigtas ako ni Lord�.
Isang oras ulit ang dumaan, at may dumating
naman na life boat, ang sabi nung mga tao sa lifeboat,
"...""Sumakay ka na kasya pa ang isa, lumikas na tayo."""
Tumangi ulit s�ya at ang sabi n�ya�
...�Mauna na kayo, ililigtas ako ni Lord�.
Lalong lumakas yung bagyo, at halos aabot
na yung baha sa bubong ng bahay.
Sumunod na dumating ay isang Helicopter.
Ang sabi nung mga tao sa helicopter,
...�Sumakay ka na, aapaw na yung tubig!�.
Nagmatigas pa rin si Michael, at ang sinabi n�ya lang�
...�Umalis na kayo, ililigtas ako ni Lord!�.
Sa sobrang lakas ng hangin napilitan umalis kagad yung helicopter.
Naiwan s�yang magisa.
After ng ilang oras, tuluyan ng umapaw ang tubig baha.
Nalunod at NAMATAY si Michael.
Pagdating n�ya sa langit, ang unang sumbat kagad n�ya ay�
�Lord nagdasal ako ng mataimtim,
bakit hindi mo sinagot yung panalangin ko,
bakit mo ko pinabayaan at bakit �di mo ko niligtas?�
May malakas na boses s�yang narinig�
At ang sabi�
�Nagpadala ko ng bangka, life boat at helicopter
para sagipin ka, pero pinalampas mo lang lahat�.
�Bakit ka nagpaiwan?�
Minsan katulad din natin si Michael�
Humihiling at nagdadasal tayo na sana dumating na
yung magbibigay satin ng magandang pagbabago.
Minsan nagdadasal tayo na sana dumating na
yung magpapaganda ng sitwasyon natin sa buhay.
Minsan nagdadasal tayo na sana dumating na
yung magaahon sa�tin mula sa pagkakalubog.
Minsan nagdadasal tayo na sana dumating na
yung tutulong sa�tin para yumaman o umasenso.
Hindi aksidente na napunta ka sa website na �to.
Hindi aksidente na binasa mo ang sulat na �to.
Ngayon nakita mo �to. Isang posibleng sagot sa mga hiling at dasal mo.
Ang tanong� Sasakay ka ba o palalampasin mo lang rin ito?
Wag kang magpapaiwan.
Sumakay ka na ngayon.
CLICK HERE and Take Massive Action To JOIN:
http://bit.ly/1Gnws7q      

At kung nagustuhan mo ang kwento you are free to share or comment below!

Tuesday, June 23, 2015

I Will Try o I Will Do!

I WILL TRY o I WILL DO!

Let me share to you a story!
Meron 3 mountain climbers ang nagpreprepare para umakyat ng bundok.

FIRST MOUNTAIN CLIMBER
Nakita nya na masyadong matarik at masyadong mahirap akyatin ang bundok at sinabi nya "I will try,anyway" wala namang mawawala sa akin.

SECOND MOUNTAIN CLIMBER
Nakaakyat narin ako dati ng ibang bundok na mataas,matarik at mas mahirap akyatin,madali lang para sa akin ito pero busy ako ngayon,next time na lang.

THIRD MOUNTAIN CLIMBER
Alam ko na magiging mahirap at challenging para akyatin ito pero " I will do what ever it takes para akyatin ko ang bundok na ito."

Sa tingin mo sino sa 3 mountain climbers ang matatapos na maakyat ang tuktok ng bundok?
Para sa akin ang third mountain climber ang makakagawa nun.

Bakit kaya hindi si #1? If you take on the " I will try attitude" kapag dumating ang challenges at difficulties,chance are madali syang mag give up.Anyway you have an excuse na kahit paano ay " Atleast I Tried "...

Bakit hindi si # 2? Oo nagawa nya na akyatin kahit ang pinakamataas at pinakamahirap na bundok dati,pero marami syang excuse ngayon." Wala akong time ngayon,madami akong ginagawa at sobrang busy ako ".

Si third climber ay meron syang healthy " do whatever it takes attitude " Impossible to him is nothing,Giving up is not an option!
Again at the start of the business or project anong klaseng mindset meron ka?
Meron ka bang attitude na " let me try o I will do whatever it takes attitude ".
Ano nga ba ang pinaniniwalaan mo?Kung naniniwala ka na you are going to be failure,you are right.Kung naniniwala ka naman na you are going to be successful,you are right also.

Pero ang attitude na para maging successful is " I will do whatever it takes "kung hindi pa ready ang mindset mo sa ganung attitude,dont worry,may chance ka pa,hindi pa huli ang lahat.

All you need to do is saying to yourself " I WILL DO WHATEVER IT TAKES NOW ".

I hope na may natutunan ka dito.Kung sa palagay mo ay valuable information ito,you are free to leave a comment below or share it to your friends.

Just click this link to watch the free video
 http://bit.ly/1Gnws7q 
Dito mababago mo na ang mindset ko para sa bagong pangarap mo at sa pamilya.

Friday, June 12, 2015

Ang Teacher at ang Estudyante

Alam nyo na ba yung kwento ng
Teacher at ang Estudyante?
Hayaan nyong i kwento ko ito sa inyo.

Isang araw sa loob ng classroom nagpadrawing si teacher ng mga pangarap ng mga estudyante.May nagdrawing ng doctor,abogado,engineer,guro pero may isang estudyante na umagaw ng atensyon ng teacher,may isang estudyante na nagdrawing ng farm at may mga hayop,truck at sa gitna ng malawak na farm ay may malaking bahay.Nang makita ito ni teacher pinagalitan nya ang bata at sinabing,

Teacher: ang sabi ko ay magdrawing kayo ng pangarap nyo at hindi ng pangarap ng pamilya mo.Ang lolo mo ay magsasaka, ganun din ang iyong ama at malamang ay malabong mangyari ito saiyo.Baguhin mo ang drawing mo at bukas ay titignan ko ulit.Kapag hindi mo binago itong drawing mo ay bibigyan kita ng bagsak na grades.

Umuwing malungkot ang bata at napansin ito ng kanyang ama.Lumapit ang ama sa bata at nagtanong sa anak.

Ama: anak bakit ka malungkot may nangyari ba sa school?

Anak: ama pinagdrawing po kami ni teacher ng mga pangarap namin.

Ama: pagkatapos?

Anak: nagalit po sa akin si teacher kasi noong pinakita ko po ang drawing ko,bakit daw po ang ginawa ko ay pangarap ng pamilya ko.Palitan ko daw po ito dahil kung hindi ibabagsak nya daw po ako.

Ama: anak hindi kita pipigilan sa gusto mong mangyari,ano man ang iyong gawin ay susuportahan kita.

Nagkaroon ng lakas ng loob ang bata.Kinabukas sa classroom sya ang unang hinanap ng teacher upang tignan ang drawing.Pagtingin nyay hindi binago ng bata ang kanyang drawing at sinabing.

Teacher: bakit hindi mo binago ang drawing mo?Gusto mo ba talagang ibagsak kita?

Estudyante: teacher kahit ibagsak nyo po ako hinding hindi ko po babaguhin ang drawing ko.

Binagsak nga ng teacher ang estudyante.
Makalipas ng 25 taon may field trip na isinagawa ng school para sa mga estudyante.Huminto ang bus sa malawak na kapatagan at bumaba ang mga estudyante at huling bumaba si teacher.Mula sa di kalayuan ay may isang kumakaway na binatilyo at pilit na tinatanaw ng teacher ang binatilyo.

Binatilyo: teacher kamusta na po kayo?

Teacher : ginoo sino po ba sila (pilit na inalala ng teacher ang binatilyong kausap).

Binatilyo: teacher ako po ito,naalala nyo po ba yung batang nagdrawing po ng farm at sa gitna ng farm ay may malaki pong bahay?Lahat po ng natatanaw ninyo ay pag aari ko.

Sa ilang sandali ay tumulo tumulo ang luha ng teacher at sinabing.

Teacher: matagal ko na pa lang pinatay ang mga pangarap ng mga batang tinuturuan ko.Marami akong nakitang nga bata na ang drawing ay imposible para sa akin kaya pinabago ko at lahat sila ay binago ang mga drawing nila at ikaw lang ang nanindigan sa pangarap mo.Mabuti na lang at hindi ka sumuko.

Ito ang aral:
              Sa pag abot ng ating pangarap huwag pumayag na may umagaw at patayin ang ating pangarap na gusto mong makamit.
Huwag mongnisuko ang pangarap mo dahil lang sa sinasabi ng ibang na imposibleng mangyawi. Papayag ka bang agawin ng ibang tao ang pangarap mo?
Tandaan mo na ang mas malaking pangarap at mas marami ang haharang para makamit mo ito.


Nakatulong ba saiyo itong blog na ito? Please say a comment and share them wih someone.I would greatly appreciate if you Like MY fan page,click the link         https://m.facebook.com/pages/Mae-Credo/1654003294813097?__nodl
PWEDE MO NANG BUOIN ANG PANGARAP MO GAMIT ANG FACEBOOK AT INTERNET.
CLICK THIS LINK TO WATCH THE FREE VIDEO http://bit.ly/1Gnws7q