Ang Tunay na Kwento ni AJ
Paano Maging Successful.
Nang mabasa mo ang title ng blog ko na ito, ano ang unang pumasok sa isip mo? Scam? Network Marketing? Pyramiding? o Budol-budol?
Mali ka diyan, partner, kung iyan ang unang naisip mo. Hindi naman kita masisisi at aminado ako na talamak ang ilang scam at budol-budol sa ating bansa.
Itong pangalawang kuwento ko tungkol sa kung paano maging tunay na successful ay mula ito sa aking tunay na karanasan noong 2007 at nagsisimula pa lang ako sa aking career bilang isang web developer.
Natatandaan ko pa noong September 2007 tinawagan ako ng dati kong kaklase noong college na gusto daw niya magpagawa ng isang computer program para ma-monitor ang kanyang negosyo nacall center. Noong mga panahong iyon, Microsoft Excel lang ang ginagamit na program ng kanilang mga call center agents sa pag-record ng kanilang araw-araw na trabaho. At dahil hindi pa ganoon kalaki ang kanilang kumpanya, wala pa silang malaking budget para ipambili ng mga kilalangsoftware.
Dahil sa aking ginagawang self-advertisement sa aking mga kaibigan, dating kaklase, at mga kamag-anak na marunong akong gumawa ng isang simpleng website, ako daw ang pumasok sa isip ng aking dating kaklase para gumawa ng kanilang software. Nagkataon namang wala akong full-time job noon at nag-iisip ako ng mga ideas kung anong negosyo ang papasukin ko. Hinamon niya ako na kung magagawa ko daw ang software na gusto niya sa loob ng 2 hanggang 3 linggo ay babayaran niya ako ng P15,000.00.
Ano sa palagay mo ang ginawa ko?
Tinanggap ko ang hamon kahit sa totoo lang hindi pa ako nakakagawa ng ganoong klase ngsoftware sa buong buhay ko (noong mga panahong iyon). Humingi ako ng down payment na P5,000 at siniguro ko sa kanya na maibibigay ko ang software sa loob ng 3 linggo.
Pagkatapos ng aming meeting sa Robinson’s Galleria sa Ortigas, dumiretso ako kaagad sa National Bookstore. Naghanap ako ng libro tungkol sa dynamic web development dahil kailangan ko ding matutunan ang simpleng paggawa ng database para sa kanilang software. Dito ko nakita ang librong ASP.NET 2.0 in 24 Hours. Nagkakahalaga ito ng P795.00. Matapos kong basahin ang ilang pahina ng libro, nakumbinsi ako na kayang kaya kong matutunan ang dynamic web development + Visual Basic.NET + SQL sa loob ng ilang araw kahit totally zero o wala akong alam sa Microsoft.NET.
Ano ang mga sumunod kong hakbang?
Binasa ko, pinag-aralan ko, sinunod ko at ginawa ang lahat ng mga activities sa libro sa loob ng 5 araw; 10 hanggang 12 oras kada araw. Makalipas ng 5 araw, sinimulan ko na ang pag-analisa ngsoftware na gusto ayon sa kanilang requirement. Sinimulan ko na din ang pag-disenyo ng website. At higit sa lahat, sinimulan ko na ang trabaho ng isang .NET programmer na noong nakaraang limang araw lamang ay wala akong alam o karanasan sa .NET at SQL database.
Makalipas ang dalawang linggo, ipinakita ko na ang ginawa kong software. Tinesting nila ito. Mukha namang na-impress sila. May ilan lang silang gustong pagbabago sa disenyo at kulay ng website, pero overall ay pasado naman ang ginawa ko. At ang pinakamagandang nangyari ay binayaran na nila ako ng kabuuang P15,000.00!
Simple lang naman ang formula na natutunan ko mula sa karanasan kong ito para magingsuccessful ka na mapalago ang iyong maliit na puhunan gamit lamang ang iyong determinasyon at pagpupursige at pagdadagdag ng bagong skills o kasanayan.
Maliit na puhunan + determinasyon + pagpupursige + bagong skills o kasanayan = SUCCESS!
Ikaw, kailan mo sisimulang mag-aral ng bagong kasanayan o skills? Baka sa isang skills na iyan ay magkatotoo na ang iyong mga pangarap at ambisyon na magpapasaya sa iyo at sa mga taong pag-aalayan mo ng iyong tagumpay. Ano sa palagay mo?
Just comment below
Just comment below
Feel free to share
No comments:
Post a Comment