Friday, June 12, 2015

Ang Teacher at ang Estudyante

Alam nyo na ba yung kwento ng
Teacher at ang Estudyante?
Hayaan nyong i kwento ko ito sa inyo.

Isang araw sa loob ng classroom nagpadrawing si teacher ng mga pangarap ng mga estudyante.May nagdrawing ng doctor,abogado,engineer,guro pero may isang estudyante na umagaw ng atensyon ng teacher,may isang estudyante na nagdrawing ng farm at may mga hayop,truck at sa gitna ng malawak na farm ay may malaking bahay.Nang makita ito ni teacher pinagalitan nya ang bata at sinabing,

Teacher: ang sabi ko ay magdrawing kayo ng pangarap nyo at hindi ng pangarap ng pamilya mo.Ang lolo mo ay magsasaka, ganun din ang iyong ama at malamang ay malabong mangyari ito saiyo.Baguhin mo ang drawing mo at bukas ay titignan ko ulit.Kapag hindi mo binago itong drawing mo ay bibigyan kita ng bagsak na grades.

Umuwing malungkot ang bata at napansin ito ng kanyang ama.Lumapit ang ama sa bata at nagtanong sa anak.

Ama: anak bakit ka malungkot may nangyari ba sa school?

Anak: ama pinagdrawing po kami ni teacher ng mga pangarap namin.

Ama: pagkatapos?

Anak: nagalit po sa akin si teacher kasi noong pinakita ko po ang drawing ko,bakit daw po ang ginawa ko ay pangarap ng pamilya ko.Palitan ko daw po ito dahil kung hindi ibabagsak nya daw po ako.

Ama: anak hindi kita pipigilan sa gusto mong mangyari,ano man ang iyong gawin ay susuportahan kita.

Nagkaroon ng lakas ng loob ang bata.Kinabukas sa classroom sya ang unang hinanap ng teacher upang tignan ang drawing.Pagtingin nyay hindi binago ng bata ang kanyang drawing at sinabing.

Teacher: bakit hindi mo binago ang drawing mo?Gusto mo ba talagang ibagsak kita?

Estudyante: teacher kahit ibagsak nyo po ako hinding hindi ko po babaguhin ang drawing ko.

Binagsak nga ng teacher ang estudyante.
Makalipas ng 25 taon may field trip na isinagawa ng school para sa mga estudyante.Huminto ang bus sa malawak na kapatagan at bumaba ang mga estudyante at huling bumaba si teacher.Mula sa di kalayuan ay may isang kumakaway na binatilyo at pilit na tinatanaw ng teacher ang binatilyo.

Binatilyo: teacher kamusta na po kayo?

Teacher : ginoo sino po ba sila (pilit na inalala ng teacher ang binatilyong kausap).

Binatilyo: teacher ako po ito,naalala nyo po ba yung batang nagdrawing po ng farm at sa gitna ng farm ay may malaki pong bahay?Lahat po ng natatanaw ninyo ay pag aari ko.

Sa ilang sandali ay tumulo tumulo ang luha ng teacher at sinabing.

Teacher: matagal ko na pa lang pinatay ang mga pangarap ng mga batang tinuturuan ko.Marami akong nakitang nga bata na ang drawing ay imposible para sa akin kaya pinabago ko at lahat sila ay binago ang mga drawing nila at ikaw lang ang nanindigan sa pangarap mo.Mabuti na lang at hindi ka sumuko.

Ito ang aral:
              Sa pag abot ng ating pangarap huwag pumayag na may umagaw at patayin ang ating pangarap na gusto mong makamit.
Huwag mongnisuko ang pangarap mo dahil lang sa sinasabi ng ibang na imposibleng mangyawi. Papayag ka bang agawin ng ibang tao ang pangarap mo?
Tandaan mo na ang mas malaking pangarap at mas marami ang haharang para makamit mo ito.


Nakatulong ba saiyo itong blog na ito? Please say a comment and share them wih someone.I would greatly appreciate if you Like MY fan page,click the link         https://m.facebook.com/pages/Mae-Credo/1654003294813097?__nodl
PWEDE MO NANG BUOIN ANG PANGARAP MO GAMIT ANG FACEBOOK AT INTERNET.
CLICK THIS LINK TO WATCH THE FREE VIDEO http://bit.ly/1Gnws7q

No comments:

Post a Comment